Home HOME BANNER STORY DTI: Walang sirit-presyo sa pangunahing bilihin sa loob ng 30-60 araw

DTI: Walang sirit-presyo sa pangunahing bilihin sa loob ng 30-60 araw

143
0

MANILA, Philippines  — Nangako ang mga manufacturer ng basic necessities at prime commodities (BNPCs) na hindi magtataas ng presyo sa loob ng hindi bababa sa 30 araw, at ang ilan ay hanggang 60 araw, upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng gastos dulot ng pabagu-bagong presyo ng langis kaugnay ng krisis sa Middle East, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ang pangako ay ginawa ng 21 manufacturer sa isang pulong kasama si Trade Secretary Cristina Roque noong Marso 16, na sumasaklaw sa mga produktong tulad ng de-latang sardinas, tinapay, bottled water, instant noodles, kape, de-latang karne, sabon, at kandila.

Kabilang sa mga produktong walang price increase sa loob ng hindi bababa sa 30 araw ang mga sardinas na Unipak, 555, Ligo, Lucky 7, Fresca, Morjon, Golden Town, at Mega; tinapay na Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal; bottled water na Wilkins at Nature’s Spring; mga sabon tulad ng Safeguard Pure White, Tide Bar Original Scent, at Green Cross Pure White; condiments gaya ng Datu Puti soy sauce at suka at Lorins patis; pati na rin ang canned meat ng CDO at kandila ng Liwanag.

Ayon sa DTI, ang ilang brand tulad ng Lucky Me, Ho-Mi, Argentina, Lucky 7, 555, Swift Premium, Wow!, at Shanghai ay mananatili ang presyo hanggang 60 araw. Nangako rin ang mga brand ng kape gaya ng Kopiko, Nescafe, at San Mig Coffee 3-in-1, pati Export candle, na hindi muna magtataas ng presyo.

“We recognize the financial strain faced by consumers while also acknowledging the cost pressures confronting manufacturers. Our priority remains to ensure a fair and reasonable pricing. We thank our manufacturing partners for their commitment and shared concern for Filipino consumers,” ani Roque.

Patuloy umanong nakikipag-ugnayan ang DTI sa industriya upang matiyak ang sapat na suplay at maprotektahan ang publiko laban sa biglaang pagtaas ng presyo. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here