Home NATIONWIDE PNP, nakaalerto na sa nationwide transport strike sa Marso 19

PNP, nakaalerto na sa nationwide transport strike sa Marso 19

136
0

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) upang tiyakin ang kaayusan at kapayapaan bago ang nakatakdang nationwide transport strike sa Marso 19, habang pinaigting ng mga lokal na kumander ang pagbabantay sa mga pangunahing lungsod.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa mga organizer at tinutukoy ang mga lugar na posibleng maapektuhan upang maprotektahan ang mga commuter at mapanatili ang kaayusan.

“While we understand the concerns being raised by those in the public transportation sector, we hope that they reconsider their decision to hold a strike for this is really not a time for that,” ani Nartatez.

“Nevertheless, your PNP is ready to maintain peace and order and assist commuters,” dagdag niya.

Ang transport strike ay pinangungunahan ng grupong PISTON sa ilalim ni national president Mody Floranda, bilang protesta sa tumataas na presyo ng langis na kaugnay ng krisis sa Middle East, at inaasahang mararamdaman hindi lamang sa Metro Manila kundi pati sa iba pang bahagi ng bansa.

Bilang paghahanda, inatasan ni Nartatez ang mga yunit ng pulisya na ihanda ang “Libreng Sakay” program, magtalaga ng mga sasakyan, at tukuyin ang mga rutang maaaring daanan upang matulungan ang mga maaapektuhang pasahero.

Hinimok din niya ang koordinasyon sa mga organizer upang matiyak na magiging maayos ang mga kilos-protesta at hindi maaabala ang publiko.

Nanawagan din ang PNP chief sa mga organizer na panatilihin ang disiplina ng kanilang mga miyembro, at iginiit na layunin ng pulisya na maiwasan ang tensyon sa pagitan ng mga nagpoprotesta, commuter, at mga awtoridad. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here