Home NATIONWIDE Dumaguete City sinuyo ng Alyansa senatorial slate

Dumaguete City sinuyo ng Alyansa senatorial slate

MANILA, Philippines- Patuloy ang pag-iikot ng mga pambato ng administrasyon sa pagka-senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas at ang kanilang ika-limang campaign rally ay isinagawa sa Dumaguete City.

Ang Negros Oriental ang pangalawa sa may pinakamataas na populasyon sa Central Visayas kung saan nasa 1 milyon ang mga botante dito at noong nakaraang 2022 elections ay nagkaroon ng 85.22% voter turnout.

Ayon kay Navotas City Cong Toby Tiangco, campaign manager ng Alyansa, target nilang i-replicate ang naging tagumpay ni Pangulong Bongbong Marcos sa Negros noong nakaraang eleksyon.

Kabilang sa pangako ng Alyansa senatorial slate ay pagsusulong sa modernisasyon sa agrikultura, at pagpapalakas sa kampanya laban sa agricultural smuggling lalo at kilala ang Negros pagdating sa mga agriproducts gaya ng tubo, mais, niyog at bigas.

Pangako rin nila ang tulong para mas palakasin ang tourism road development sa Negros sa pamamagitan ng dagdag na mga alokasyon ng pondo sa imprastraktura.

Ang tourist arrivals sa probinsya nitong 2024 ay pumalo sa 700,000 mula sa 250,000 noong 2023.

Target din ng Alyansa para sa mga residente ng Negros na palakasin ang sugar industry.

Ang Negros Occidental na kilala bilang “Sugar Bowl of the Philippines,” ang nagpo-produce ng asukal sa bansa, ang lalawigan ay may 15 sugar centrals kabilang ang Victorias Mill sa Victorias City, na syang pinakamalaki sa bansa. Gail Mendoza