MANILA, Philippines- Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes na apat na marijuana plantations sa Kibungan, Benguet ang winasak.
Sinabi ng PDEA na mula Lunes hanggang Huwebes, may kabuuang 34,000 fully grown marijuana plants at 45,000 gramo ng dried marijuana leaves sa apat na magkakahiwalay na lugar na may kabuuang laki na 4,300 square meters.
Nagkakahalaga ang nadiskubreng marijuana plants at pinatuyong dahon ng halos P12.2 milyon, ayon sa PDEA.
Inihayag ng PDEA na 9,000 fully grown plants at nasa 5,000 gramo ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P2.4 milyon ang narekober mula sa unang lokasyon.
Sa ikalawng site, 1,000 pananim at 1,500 gramo ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P2 milyon ang nadiskubre, base sa PDEA.
Sa ikatlong lokasyon, inihayag ng anti-illegal drugs agency na 25,000 gramo ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P3 milyon din ang natagpuan.
Nasa 24,000 piraso ng halaman na nagkakahalaga ng P4.8 milyon ang nakuha sa ika-apat na lokasyon, ayon sa PDEA. RNT/SA