MANILA, Philippines – Aminado si Office of Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity Sec. Carlito Galvez na naaalarma sila sa maraming mga kabataan kabilang ang mga estudyante na lumalahok sa kilos-protesta ng mga militanteng grupo.
Gayunman, kumbinsido siĀ Galvez na makatutulong ang pagkabawas sa bilang ng mga kasapi ng mga armadong grupo na nakikibahagi sa programa sa amnestiya ng gobyerno sa pagpapanatili ng kapayapaan at paghikayat sa mga Kabataan na huwag lumahok sa mga armadong pagkilos
Sa Kapihan sa Manila Bay, tinukoy ni Galvez na may 1,620 na ang nag-apply sa amnesty kabilang ang nasa 1,018 na kasapi ng CPP-NPA-NDF
Bukod dito, may ugnayan din aniya sila sa sektor ng edukasyon para isulong ang pag-iral ng kapayapaan at matiwasay na mga pagkilos.
Nanawagan pa si Galvez sa mga mamamahayag para mas makatulong nila sa pagpapaabot ng mensaheng walang kabutihang dulot ang mga armadong pakikibaka kundi kahirapan dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ar kaguluhan.
Samantala,ikinababahala ng OPAPRU ang pagdami ng mga kabataaang sumasama sa mga pagkilos ng mga rebelde.
Aminado si Galvez na naaalarma sila sa maraming mga kabataan kabilang ang mga estudyante na lumalahok sa kilos protesta ng mga militanteng grupo.
Sa kabila nito, naniniwala ang kalihim na makakatulong ang pagbabawas sa bilang ng mga kasapu ng mga armadong grupo na nakikibahagi sa programa sa amnestiya ng gobyerno sa pagpapanatili ng kapayapaan at paghikayat sa mga Kabataan na huwag lumahok sa mga armadong pagkilos.
Ayon kay Galvez, may 1,620 na ang nag-apply sa amnesty kabilang ang nasa 1,018 na kasapi ng CPP-NPA-NDF.
Nakipag-ugnayan rin aniya ang OPAPRU sa sektor ng edukasyon para isulong ang pag-iral ng kapayapaan at matiwasay na mga pagkilos.
Para maipaabot ang mensaheng walang kabutihang dulot ang mga armadong pakikibaka kundi kaguluhan at pagbagsak ng ekonomiya — nanawagan si Galvez sa mga mamamahayag para mas makatulong nila sa pagpapaabot ng mensahe. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)