Home NATIONWIDE Turismo apektado na sa pagputok ng Mt. Kanlaon

Turismo apektado na sa pagputok ng Mt. Kanlaon

MANILA, Philippines – Apektado na rin ang turismo sa ilang munisipalidad sa Negros Island kasunod ng pagputok ng Mt. Kanlaon nitong Disyembre 9,2024.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), nakatanggap ang kanilang regional offices ng ulat ng tourism stakeholders na apektado at nakakaranas ng matinding ashfall.

Kabilang rito ang munisipalidad at bayan ng Negros Occidental, tulad ng La Castellana, La Carlota City, Bago City, at Murcia. Sa Negros Oriental, ang apektadong lugar ay kabilang ang includes Canlaon City.

Bilang precautionary measure, ang mga sumusunod na tourist aktibidad sa mga apektadong lugar ay sinuspinde gaya ng trekking, swimming, farm site visits, at day tours.

Ang tiyak na atraksyon na pansamantalang sarado ay kabilang ang Guintubdan Spring, Buenos Aires Resort, Mambukal Resort, Sugar Valley Coffee Farm, at iba pang sites na malapit o nasa 6-kilometer permanent danger zone.

Bukod dito, ang Kanlaon Inland Resort and Eco-Tourism, Padudusan Falls, Bao-bao Viewing Deck, at Quipot Falls sa Canlaon City ay isinara ng City’s Local Government upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Bagamat walang mga iniulat na nasaktan, nasawi o stranded na turista, mahigpit na pinapayuhan ang mga manlalakbay na iwasan ang nasabing destinasyon sa 6-kilometer permanent danger zone at lugar na apektado ng ashfall.

Hinikayat din ang mga turista na manatiling maingat at laging updated sa pagsubay ay sa mga abiso mula sa local government units (LGUs), disaster response authorities, at DOT Regional Offices.

Prayoridad ng DOT ang kaligtasan ng lahat ng turista at local na kilomunidad at hinihikayat ang lahat na manatiling manatiling mapagbantay at may kaalaman sa panahong ito.

Para sa tourist information at assistance, maaring tumawag sa DOT sa pamamagitan ng sumusunod na mga channels.

• Hotline: 151-TOUR (8687)

• Mobile: 0954-253-3215

• Facebook: Department of Tourism – Philippines

• Email: [email protected]

• Click2Call and Live Webchat: beta.tourism.gov.ph

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)