Home ENTERTAINMENT Nadine, nanupalpal ng fan!

Nadine, nanupalpal ng fan!

Manila, Philippines – Nakatikim tuloy ang isang fan ng hinahanap niya.

Ito ang ginawa ni Nadine Lustre sa isang fan who took swipe at her lalung-lalo na sa pag-endorso ng aktres sa isang online gaming platform.

Sa kanyang Instagram broadcast channel, tinanong ng Viva artist ang kanyang mga fans kung ano ang plano ng mga ito this December.

Maayos sana ang takbo ng pakikiharap ni Nadine until a fan answered: “Magsugal!”

Obyus na pinariringgan ng fan ang aktres in relation to her endorsement.

Hindi naman ‘yon pinalampas ng aktres who snapped back: “Choice mo ‘yan!”

Matatandaang kamakallan, Nadine earned the flak for endorsing an online gaming platform.

Ayon sa kanyang mga bashers, taliwas daw kasi ito sa mga adbokasiya ng aktres.

Kilala nga naman si Nadine for her advocacy on animal care, environment and mental health.

May mga netizen namang dumepensa kay Nadine na nagsabing respetuhin na lang ng mga ito ang kanyang trabaho. Ronnie Carrasco III