Home NATIONWIDE Duterte Youth pinadidiskwalipika ng Gabriela Youth sa Comelec

Duterte Youth pinadidiskwalipika ng Gabriela Youth sa Comelec

204
0

MANILA, PHILIPPINES – Nagsampa ang Gabriela Youth ng pormal na petisyon sa Commission on Elections (Comelec) para ideklara ang Duterte Youth party-list na disqualified sa 2025 elections dahil sa mga isyung hindi pa naaayos mula pa noong 2019.

Inakusahan nila ang Duterte Youth ng maling representasyon sa sektor ng kabataan dahil sa paglalagay ng mga overaged na kandidato at ng pagtaguyod ng militarismo at red-tagging.

Bagamat pumangalawa sa nakaraang halalan, suspendido ang proclamasyon ng Duterte Youth habang hinihintay ang desisyon sa kaso.

Sinabi ng Comelec na komplikado ang kaso at prayoridad ito, at inaasahang magkakaroon ng resolusyon sa lalong madaling panahon. Inakusahan naman ng Duterte Youth ang Comelec ng pagkiling dahil hindi nila aksyonan ang iba pang mga kaso ng party-list. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here