MANILA, Philippines – Iginiit ni bagong Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III na hindi niya personal na kalaban o kaaway ang pamilya Duterte.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Torre na ginagawa lang nila ang tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas at hindi nila tinatanggap nang personal ang anumang kritisismo mula sa mga Duterte.
“They’re not my personal enemies. We don’t take things personal here. All the rest, everything is just part of doing our job. We have our roles to play. And we are just playing it in accordance with the script that was given to us by life,” ani Torre.
Matatandaang pinangunahan ni Torre ang pagpapatupad ng ICC arrest warrant laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinagot din niya ang pahayag ni Sebastian “Baste” Duterte na ang kanyang paghirang ay dahil sa “pabor,” sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga dating paghirang ng administrasyong Duterte, kabilang si Ronald “Bato” Dela Rosa bilang PNP chief. RNT