MANILA, Philippines – IPAGPAPATULOY ng Pilipinas ang pagsisikap na mas paunlarin ang kalakalan at people-to-people exchanges sa Tsina, kasabay ng paggunita sa ika-50 anibersaryo ng diplomatikong ugnayan ng dalawang bansa.
“While there are maritime-related issues between the two countries, these challenges are not the entirety of our relations,” ayon kay Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz.
“We continue to move forward and look at the bright spots in our relations. One example is people-to-people exchanges, which we highlight in this year’s commemorative activities,” dagdag pa niya.
Ang Tsina ay nananatiling isang “valued economic partner” ng Pilipinas bilang pinakamalaking kasosyo nito sa kalakalan.
“We wish to bring in more Filipino goods to China for the enjoyment of our Chinese friends… We also wish to push for bigger trade in services, particularly tourism services, in order to showcase the beauty of the Philippines to the Chinese people,” ani FlorCruz.
Umakyat sa USD 42.21 bilyon ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa para sa taong 2024, na kumakatawan sa 21.04% ng total trade value ng Pilipinas.
Binanggit rin ni FlorCruz na ang presensya ng mga pangunahing kumpanyang Pilipino sa Tsina gaya ng Liwayway, SM, Jollibee, Aboitiz, San Miguel Corporation, Robinsons, at Metrobank ay patunay sa “vast opportunities in China for Philippine companies.”
Sa kabila ng pokus sa trade at people-to-people exchanges, tiniyak ni FlorCruz na magpapatuloy ang aktibong pakikipag-ugnayan ng bansa sa Tsina sa mga mahahalagang larangan tulad ng seguridad sa pagkain at agrikultura, imprastraktura, teknolohiyang berde, at enerhiya.
Aniya, maaaring magsilbing “entry point” ang Pilipinas para sa mga proyektong may kaugnayan sa agham at teknolohiya, lalo na sa larangan ng renewable energy, telecommunications infrastructure, green metal processing, electric vehicle battery and assembly, smart manufacturing, at agrikultura, bukod sa iba pa.
Itinatag ang pormal na diplomatikong ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina noong Hunyo 9, 1975. Kris Jose