Home NATIONWIDE DWSD nagbigay ng ng P70M humanitarian aid sa Mindanao flood victims

DWSD nagbigay ng ng P70M humanitarian aid sa Mindanao flood victims

MANILA, Philippines- Nagbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P70 milyong halaga ng humanitarian aid sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha at landslides sa Mindanao.

Base sa pinakabagong ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), sinabi ng DSWD na 312,346 pamilya o 1,078,531 katao ang naapektuhan sa 652 barangay sa Regions XI, XII, at Caraga.

Nito lamang Lunes, nagbigay ang departamento sa mga apektadong pamilya ng P70,313,588 halaga ng food at non-food items, gaya ng sleeping kits at modular tents.

Sinabi ng DSWD na P3,333,069,216.11 ng relief resources ang nananatiling available.

Sa kabilang dako, nakapagtala naman ang DSWD ng 474 totally damaged at 658 partially damaged na kabahayan sa mga apektadong rehiyon.

Sinabi naman ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na ang departmento at local government units ay nakikipag-ugnayan para tulungan ang mga biktima.

“We are coordinating to better house them, especially maraming submerged areas pa tayo including our traditional evacuation sites. But we will facilitate to better improve their conditions,” ayon pa rin kay Lopez.

“As to our assets, we are working round the clock to provide assistance. As soon as we have the information, we can easily provide needed assistance,” dagdag na wika nito.

Sinasabing may 14,926 pamilya o 53,858 indibidwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa 231 evacuation centers sa Regions XI at Caraga.

Samantala, may 81,811 pamilya o 300,579 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kamag-anak o kaibigan, habang may 96,737 pamilya o 354,437 indibiduwal ang na-displaced sa Regions XI at Caraga.

Sa Region XI, sinabi ng DSWD na umabot na sa 18 katao ang death toll mula sa pagbaha at landslides habang11 naman ang sugatan at tatlong indibuiduwal naman ang nawawala, “as of Tuesday.”

Ang mga munisipalidad ng Compostela, Monkayo, at New Bataan sa Davao de Oro at mga munisipalidad ng Bunawan at Rosario sa Agusan del Sur ang unang naiulat na naapektuhan ng tuloy-tuloy na low-pressure area noong Enero 29, 2024, ang tuloy-tuloy na LPA ang may bitbit na malakas na pag-ulan at pagbaha sa mga kalapit-lugar gaya ng lalawigan ng North Cotabato.

Nagpatuloy ang “light to heavy rains” hanggang Pebrero 2, dahilan ng karagdagang pagbaha at landslides sa Mindanao. Nalusaw lang ang LPA noong Pebrero 3. Kris Jose

Previous article44% ng mga Pinoy kumpiyansang giginhawa ang buhay sa sunod na 12 buwan – sarbey
Next articleBI sa mga dayuhan: Reentry fees plantsahin na bago umalis