Home NATIONWIDE Dy, 3 dating House Speaker nagbigay-pugay kay Dax Cua

Dy, 3 dating House Speaker nagbigay-pugay kay Dax Cua

1
0

MANILA, Philippines — Nagbigay-pugay si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at tatlong dating Speaker kay yumaong Quirino Governor Dakila Carlo “Dax” Cua sa necrological service na ginanap sa House of Representatives nitong Lunes.

Inilarawan ni Dy si Cua bilang tapat na lingkod-bayan na inuuna ang kapakanan ng Quirino at mga residente nito sa buong panahon ng kanyang paglilingkod bilang vice governor, governor at kinatawan ng lone district ng lalawigan.

“Sa tuwing nagkakausap kami, ang mga ipinaglalaban niya ay hindi para sa kanyang sarili. Laging para sa Quirino. Laging para sa kanyang mga kababayan,” ani Dy.

Nangako rin ang Speaker na ipagpapatuloy ng Kamara ang mga programa at proyektong isinulong ni Cua para sa kanyang lalawigan.

Nagbigay-pugay din sina dating Pangulo at Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at dating Speakers Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. at Pantaleon Alvarez.

Binalikan ni Arroyo ang husay ni Cua sa economic policy at tax reform noong chairman ito ng House Committee on Ways and Means.

“Dax had both, command of the numbers and empathy,” ani Arroyo.

Inalala naman ni Belmonte ang mahigit dalawang dekadang serbisyo publiko ni Cua, habang inilarawan ni Alvarez ang dating mambabatas bilang matalino ngunit mapagkumbaba.

Kabilang din sa nagbigay-pugay sina Senador JV Ejercito, Majority Leader Sandro Marcos, Marikina Rep. Miro Quimbo, Cabinet Secretary Benjamin Abalos Jr., Education Secretary Sonny Angara, Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, Energy Secretary Sharon Garin, actor Dingdong Dantes at ama ni Cua na si dating Quirino Rep. Junie Cua.

Pumanaw si Cua noong Setyembre 15 sa edad na 48. Nagsilbi rin siyang kinatawan ng Quirino sa 15th, 16th at 17th Congress bago muling mahalal bilang gobernador noong 2019. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here