Home NATIONWIDE Dy nanawagan sa mga mambabatas na ‘wag maapektuhan sa mga nakikita sa...

Dy nanawagan sa mga mambabatas na ‘wag maapektuhan sa mga nakikita sa social media

254
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si House Speaker Faustino “Bojie” Dy sa mga kawani at maging sa mga kapwa mambabatas nito na magkaisa at isantabi ang personal na interes.

“Ngayong papalapit ang Pasko—hinihikayat ko kayong lahat: Magpakatatag. Maging liwanag. Maging tulay ng pagkakasundo. Maging dahilan ng pag-asa,” pahayag ni Dy sa regular flag raising ceremony sa Kamara.

Ani Dy sa harap ng kaguluguhan at mga batikos ay hinihimok nito ang mga kawani na huwag magpaapekto.

“Hinihikayat ko kayo: huwag nating hayaang maapektuhan tayo ng mga naririnig o nababasa sa social media. Kayang-kaya nating baguhin ang imahe ng institusyong ito sa pamamagitan ng tapat, masipag, at makabuluhang paglilingkod,” ani Dy.

Sentro ngayon sa isyu ng corruption scandal ang ilang miyembro ng Kamara, Senado at mga government official.

“There will come a time when they will not be ashamed to say that they are part of Congress. Hindi na magtatagal ang bawat isa sa inyo ay makakapaglakad ng taas-noo, dahil kabahagi kayo, at tayong lahat, sa pagbabagong ating sama-samang isinusulong,” giit nito.

“Hindi tayo titigil hanggang hindi natin maabot ang mataas na kalidad ng ating serbisyo at makabigay tayo ng dignidad sa ating institusyon,” dagdag pa ni Dy. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here