Home ENTERTAINMENT DZMM, balik na sa ere; ABS-CBN franchise, inuurot kay PBBM!

DZMM, balik na sa ere; ABS-CBN franchise, inuurot kay PBBM!

260
0

Manila, Philippines- Celebratory mood ang mga netizens na loyal sa DZMM.

Eh, paanong hindi sila magbubunyi?

The iconic radio station is back in harness!

This time though ay bagong bihis ito as it is owned by the Lopezes and the Romualdezes.

Who would have thought na magsasanib-puwersa ang dalawang maimpluwensiyang pamilya para pabuksang muli ang ipinasara sa ilalim ng panunungkulan ni Digong Duterte?

“Expect the return of news programs you’ve all been dying to listen to!” sey nga sa pralala.

Dahil nga sa muling pagbubukas ng DZMM ay inuurutan si Pangulong Bongbong Marcos.

Para raw kasi umalagwa ang approval rating nito’y ipagkaloob na din niya ang prangkisa ng ABS-CBN.

Matatandaang nag-veto ang Kongreso na bigyan ito ng 25-year franchise sa ilalim pa rin ng Duterte administration.

Marami naman ang ‘di sang-ayon dahil kahit walang prangkisa ang Kapamilya network, it’s doing well.

In fact, binago raw nito ang landscape ng telebisyon.

Kung matatandaan, ABS-CBN was first closed down during the Martial Law under the Marcos regime.

Posible kayang ang anak ang muling magpabalik sa istasyong pinagkaitan ni Digong ng prangkisa? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here