Manila, Philippines- More than just an acquaintance.
Ito kung ituring ng Pambansang Marites na si Xian Gaza si Ivana Alawi kaya ganoon na lang kung ipagtanggol niya ito laban kay Dominique “Nikki” Lopez-Benitez.
Si Nikki ang estranged wife ni Bacolod City Mayor Albee Benitez na nandamay kay Ivana bilang mistress umano ng huli.
Sa kanyang Facebook live, tinira-tira ni Xian si Nikki in defense of Ivana.
Among others, bakit daw idinadamay nito ang actress-vlogger gayong in Albee’s words ay 21 taon na raw silang hiwalay?
Kung ganoon, 6 years old pa lang daw noon si Ivana ay karelasyon na nito si Albee?
Hirit pa ni Xian, hindi pa raw ba kuntento si Nikki sa mga “biyayang” natanggap mula kay Albee at nais niya itong maghirap?
Ilan dito ay ang credit cards, travel perks at kung anu-ano pa.
Ang nakapagtataka’y kung paano napasakamay ni Xian ang kopya ng mga assets na dapat paghatian ng estranged couple.
Dahil nga naman sa kontrobersyal na FB live post ni Xian kung bakit pinagtatakhan na dineactivate na niya ito.
Balita ring “wanted” siya sa anak ng dating couple at nag-aartistang si Javi.
Marami ang nagtatanong–nabahag nga raw ba ang buntot ng kilalang sawsawero this side of showbiz? Ronnie Carrasco III