Home ENTERTAINMENT E.A.T., tinapatan din ng “mayor” ang Eat Bulaga!

E.A.T., tinapatan din ng “mayor” ang Eat Bulaga!

Manila, Philippines- Kung ipinagmamalaki ng Eat Bulaga ang pagkakaroon ng dating mayor sa katauhan ni Isko Moreno, isinilang din ng katapat nitong show na E.A.T. ang kanilang panlaban.

Si Isko, kasama si Buboy Villar, ang tumitimon sa segment na G sa Gedli.

Puwes, may sagot diyan ang E.A.T.!

Ipinakikilala naman ng Dabarkads show si Jose Manalo bilang mayor ng Angono, Rizal.

Si Isko ang dumayo sa nasabing Rizal town sa Sugod Bahay Kapatid ng E.A.T.

Sinugod ni Jose ang isang barangay sa nasabing Rizal town sa Sugod Bahay Kapatid segment ng E.A.T.

Ang pakuwela ni Jose ay ang pagbibida sa kanyang mga accomplishments bilang unang mayor ng buong Pilipinas.

Ilan lang dito ay ang Libre Gupit Libre Ahit program na patok sa mga residente.

In fairness, wala namang bahid ng pasaring kay Isko ang batuhan ng mga jokes nila nina Wally Bayola at Tugue Zombie.

Pero siyempre, obyus naman sa subtext ng segment ang intensyon ng E.A.T. bilang pang-inis sa kalabang programa.

Sa aspetong ito’y nagtagumpay ang TV5-produced show.

Mas lively kasi ito kesa G sa Gedli ni Isko bukod pa sa mas marami itong mga papremyo.

Masaya rin kasi ang banter nina Jose, Wally at Zombie sa TVJ sa studio. Ronnie Carrasco III

Previous articleRendon, inakalang multo si Cristy!
Next articleP30M expired na karne, frozen goods nakumpiska sa Caloocan warehouse