Home ENTERTAINMENT Rendon, inakalang multo si Cristy!

Rendon, inakalang multo si Cristy!

Manila, Philippines- Muli na namang dumale ang social media personality na si Rendon Labador.

This time around, pahinga muna siya sa paninita sa mga artista.

Ang pinagtripan naman ng controversial motivational speaker ay si Cristy Fermin.

Without naming names, pinuna ni Cristy ang isang lalaking “mahilig makisawsaw sa mga isyu, mahilig makiangkas at mahilig gumawa ng mga kuwentong walang basehan.”

Obyus na si Rendon ang tinutukoy ni Cristy.

Knowing Rendon ay agad siyang sumagot sa kanyang Instagram account.

Post niya: “Akala ko multo. Amp! Buhay pa pala ‘to?!”

Aniya pa, nagka-goosebumps daw siya.

Patunay raw ang paninindig ng mga balahibo niya sa kamay.

Patutsada pa ni Rendon, matapang daw siyang tao pero ibang usapan na raw kung multo ang kalaban niya.

Obyus na ginawa lang na palusot ‘yon ni Rendon as he always does to justify his criticisms against anyone.

Kung tutuusin, nagbibilang yata ng mga kaaway sa social media si Rendon.

Buti na lang, karamihan kundi man lahat ng pinagtripan niya’y hindi siya pinag-aksayahan ng oras.

Apparently, nobody is taking Rendon seriously.

Of all his victims, tanging si Vice Ganda lang yata ang pumatol sa kanya although hindi siya pinangalanan ng TV host.

Feeling ni Rendon, he’s God’s gift to a chaotic nation.

Hindi nga ba’t maituturing na classic ang linyang binitawan niya na inaayos daw niya ang bansa?

Bansa nga ba ang may diperensya na dapat ayusin o si Rendon mismo? Ronnie Carrasco III