Home NATIONWIDE E-sabong, laganap pa rin sa kabila ng PH ban – pag-aaral

E-sabong, laganap pa rin sa kabila ng PH ban – pag-aaral

330
0

MANILA, Philippines – Lumabas sa pag-aaral ng The Fourth Wall, na patuloy pa rin ang operasyon ng online cockfighting o e-sabong sa mga unregulated gambling platform kahit may nationwide ban mula sa Executive Order No. 9 ni Pangulong Marcos noong Disyembre 2022.

Ipinopromote ng mga platapormang ito ang e-sabong sa Facebook at sa pribadong mensahe, at bagama’t may ilang nangangailangan ng registration, madali pa rin itong ma-access.

Ayon sa ulat, malinaw na may kakulangan sa pagpapatupad ng batas dahil pati kilalang personalidad ay nakikitang gumagamit ng ganitong serbisyo.

Sa paghahambing, mas maraming laro (5,000 kumpara sa 2,900), walang mahigpit na verification, walang limit sa transaksyon, at mas mataas na bonus (hanggang 108%) at affiliate commissions (45–65% ng kita) ang inaalok ng unregulated platforms kumpara sa regulated platforms na sakop ng PAGCOR.

Binigyang-diin ng ulat na mas mataas ang panganib sa mga manlalaro sa unregulated platforms at nanawagan ng mas mahigpit na enforcement at mas malawak na public awareness. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here