Home NATIONWIDE Eala pinarangalan ni PBBM: Kumakatawan sa pinakamahusay na Pinoy

Eala pinarangalan ni PBBM: Kumakatawan sa pinakamahusay na Pinoy

3
0

MANILA, Philippines – PINARANGALAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si tennis star Alex Eala sa Palasyo ng Malakanyang bilang pagkilala sa kanyang makasaysayang laro sa Wimbledon.

Si Eala ang kauna-unahang Filipina na na-seed sa No. 29 sa Wimbledon at nakapasok sa Round of 16 ng prestihiyosong Grand Slam tournament.

Inilarawan ang 21-year-old tennis star bilang kampeon na sumasagisag sa pinakamagandang katangian ng mga filipino at nagsilbing inspirasyon sa bansa dahil sa kanyang mga achievements at pagpapakumbaba.

Sa homecoming reception sa Malakanyang, pinagkalooban si Eala ng Presidential Citation, pagkilala sa kanya bilang kauna-unahang filipina na makamit ang walang katulad na tagumpay sa international professional tennis circuit.

Ang pagkilala ay pagbibigay papuri kay Eala para sa kanyang “exceptional talent, perseverance, and unwavering determination,” at pagbibigay inspirasyon sa bagong henerasyon ng mga filipinong atleta habang nagdadala ng karangalan sa bansa.

“You have brought so much pride to the Philippines, to the Filipinos, and not only because of your success, but also because of the grace with which you handled that success,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Because the way you play and the way you comport yourself makes us proud. Because you show the greatest, best qualities of Filipinos. So you remind us why we are a great race,” aniya pa rin.

Sinabi pa ng Pangulo na ang breakthrough ng Eala sa Wimbledon ay lumampas sa isport, sabay sabing ang mga filipino sa buong mundo ay kaisa ni Eala habang siya ay lumalaban.

“We are all behind you. The entire Filipino nation has come to love you because of your sweetness and grace,” ani Pangulong Marcos.

Pinuri rin ni Pangulong Marcos ang disiplina at mindset ni Eala, inalala kung paano siya (Eala) agad na nakapag-pokus sa kanyang susunod na goal matapos ang kanyang tagumpay.

“That is a sign of a true fighter, a true champion… You allow yourself to be happy for three minutes and then you start thinking about your next match,” ayons a Chief Executive.

Bilang tugon, pinasalamatan ni Eala si Pangulong Marcos sa pagkilala at pagbibigay puri sa kanya. Para kay Eala, pagkilala ito sa mga taon ng pagsisikap na hindi napapansin.

“I feel very seen. Hearing that come from you, I feel like all the hard work that I’ve done is seen. All the hours that aren’t on TV are seen and validated and appreciated,” ani Eala.

Nangako naman si Eala na patuloy niyang bibitbitin ang watawat ng Pilipinas ng buong pagmamalaki sa bawat tournament.

“Lubos kong ipinagmamalaki ang pagiging Pilipino. I carry the flag with me wherever I go,” ani Eala sabay sabing “I promise that I will continue to represent the Philippines in the best way that I possibly can.” (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here