Home NATIONWIDE Easterlies, Amihan iiral sa bansa

Easterlies, Amihan iiral sa bansa

MANILA, Philippines – Makakaapekto ang easterlies at northeast monsoon o Amihan ngayong araw, Marso 12.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Aurora at Quezon dahil sa easterlies.

Maulap na kalangitan na may mga mahihinang pag-ulan naman ang inasahan sa Batanes dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC