MANILA, Philippines – Nakakaapekto sa bansa ngayong Miyerkules, Abril 22 ang easterlies sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao, habang localized thunderstorm naman sa nalalabing bahagi ng bansa.
Sa forecast, ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, at Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa easterlies.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng Luzon naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms
dahil sa Localized Thunderstorms. RNT/JGC