Home HOME BANNER STORY Romualdez: I will not be a scapegoat

Romualdez: I will not be a scapegoat

84
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na hindi siya papayag na gawing “scapegoat” sa isyu ng flood control controversy, kasabay ng kanyang panawagan na tingnan ang buong ebidensya at hindi ang haka-haka o impluwensyang pulitikal.

“I will not be a scapegoat for actions I did not commit,” pahayag ni Romualdez. “The truth is not afraid of scrutiny—and neither am I,” dagdag nito.

Bilang hakbang, pinayagan ni Romualdez ang paglalabas sa publiko ng kanyang sworn affidavit at iba pang supporting documents, at sinabing karapatan ng mamamayan na makita ang mga aktuwal na impormasyon sa likod ng isyu.

“I have nothing to hide. Let the Filipino people judge the truth based on evidence—not on speculation or politics,” ani Romualdez.

Giit ni Romualdez na nakipag-cooperate siya sa mga awtoridad mula pa sa simula ng imbestigasyon, kabilang ang pagharap sa mga inquiry at boluntaryong pagsusumite ng mga dokumento.

Itinanggi rin ni Romualdez ang alegasyon na siya ang nag-utos o nagpatupad ng anumang corruption scheme, at tinawag itong “absurd” at hindi ayon sa aktuwal na proseso ng pamahalaan.

“The national budget is not the work of one person.It is the product of a constitutional process involving the Executive, the House, and the Senate.” depensa nito.

Ipinaliwanag pa ng mambabatas na ang Kongreso ay isang collegial body kung saan ang mga desisyon ay dumadaan sa kolektibong proseso, at hindi nagmumula sa iisang indibidwal lamang.

Binigyang-diin din niya ang pagkakaiba ng paglalaan ng pondo at ng implementasyon nito, na aniya ay nasa ilalim ng Executive branch, kabilang ang mga ahensya gaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“If irregularities occurred, accountability must follow the entire chain—not be selectively assigned,” dagdag nita.

Hinimok din ni Romualdez ang Office of the Ombudsman na manatiling patas at iwasan ang impluwensyang pulitikal sa imbestigasyon.

“Follow the evidence wherever it leads. Justice demands fairness, not convenience,” aniya.

Muli niyang iginiit na handa siyang harapin ang anumang paratang sa tamang legal na proseso.

“I will face this head-on. I have nothing to fear from the truth,” pagtatapos ni Romualdez. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here