Home NATIONWIDE Easterlies magpapaulan sa bansa

Easterlies magpapaulan sa bansa

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan ang easterlies sa buong bansa ngayong Martes, ayon sa PAGASA.

Makakaranas ng pagkulog at pag-ulan ang Aurora at Quezon na maaaring magdulot ng flash floods o landslide dahil sa katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan.

Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan naman ang mararanasan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa na may pulu-pulong pag-ulan.

Sa silangang bahagi ng Luzon, asahan ang katamtaman hanggang malakas na hangin at maalon na karagatan, habang bahagyang maalon naman ang mga dagat sa ibang bahagi ng bansa. RNT