Home NATIONWIDE Mala-impyernong init ‘di mararanasan ngayong araw

Mala-impyernong init ‘di mararanasan ngayong araw

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng PAGASA na walang lugar sa bansa ang aabot sa “danger level” na heat index sa Marso 11, 2025.

Ang pinakamataas na heat index ay 41°C sa Zamboanga City, Catbalogan sa Western Samar, at Masbate City — nasa ilalim ng “extreme caution” category.

Sa Metro Manila, aabot sa 38°C hanggang 39°C ang heat index.

Posibleng maranasan ang heat cramps at heat exhaustion, at maaaring magdulot ng heat stroke ang patuloy na aktibidad.

Bagamat inaasahang uminit pa sa mga susunod na buwan, hindi ito magiging kasing tindi ng init noong 2024. RNT