Home NATIONWIDE Easterlies magpapaulan sa Bicol, VisMin

Easterlies magpapaulan sa Bicol, VisMin

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang easterlies sa silangang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao ngayong araw, Hunyo 12.

Ang Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa easterlies.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil naman sa localized thunderstorms. RNT/JGC