Home NATIONWIDE Easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng PH

Easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng PH

MANILA, Philippines- Makaaapekto ang easterlies sa ilang bahagi ng bansa na maaaring makaranas ng isolated rainshowers, base sa PAGASA.

Sa 4 a.m. bulletin, sinabi ng state weather na posibleng makaranas ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” dahil sa easterlies.

Hanggang nitong Miyerkules, sinabi ng PAGASA na walang namo-monitor na low pressure areas para sa tropical cyclone formation.

Sumikat ang araw ng alas-5:46 ng umaga at lulubog ng alas-6:09 ng hapon. RNT/SA