Home NATIONWIDE eBayad Act, lusot na sa Kamara

eBayad Act, lusot na sa Kamara

159
0

MANILA, Philippines – Tinanggap ng House of Representatives ang House Bill No. 8468 o eBayad Act sa third reading noong Lunes, ayon kay Speaker Faustino Dy III, na nagsabing hakbang ito patungo sa Digital Pilipinas at modernisadong serbisyo ng gobyerno.

Layunin ng batas na ito na gawing digital ang lahat ng government disbursements at koleksyon, kabilang ang sahod, allowances, honoraria, cash aid, buwis, fees, at tolls, gamit ang electronic fund transfers at iba pang digital payment platforms.

Kasama rin sa panukala ang pagsuporta sa mga negosyante, lalo na ang maliliit at micro-businesses gaya ng market vendors at tricycle operators, upang gumamit ng digital payments sa kanilang transaksyon.

Ayon kay Dy, makakatulong ang batas na mabawasan ang red tape, gawing mas transparent ang pondo ng bayan, at mapalawak ang partisipasyon ng mga Pilipino sa formal economy. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here