Home HOME BANNER STORY Economic Cha-cha pasado na sa Kamara

Economic Cha-cha pasado na sa Kamara

MANILA, Philippines – Tuluyan nang inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang economic Charter Change.

Sa botong 289 na pumabor, pito ang tutol at dalawa ang nag-abstain ay aprubado na ang Resolution of Both Houses No. 7, ang panukalang nagsusulong na amyendahan ang mga probisyon sa Saligang Batas ukol sa pagpapasok ng negosyo sa bansa.

Ang RBH No. 7 ay inakda nina House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker and Quezon Rep. David Suarez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos at iba pang House leaders.

Ani Romualdez, ito na ang “last piece in the puzzle of investment measures” ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mapalakas at mapanatili ang pag-angat ng ekonomiya sa bansa sa pamamagitan ng paglikha ng maraming trabaho sa ikagaganda ng buhay ng mga Pilipino.

“These changes, if ratified by our people in a plebiscite, will greatly boost these measures, including our President’s investment missions abroad which have generated actual investments and pledges in the billions of dollars and created thousands of jobs.”

Dagdag pa ng liderato ng Kamara, ang pag-apruba na ito ng Kamara ay magsisilbing malakas na mensahe sa mga dayuhang investors at international community na ang Pilipinas ay “now fully open for business and for investments.”

“We heard the wise counsel and suggestions of the resource persons and experts we invited to our hearings. We assure the business community and our people that we are working on the other factors that affect investments, like ease of doing business, the high cost of electricity, infrastructure, and similar issues,” dagdag pa ng solon.

Nauna nang ipinasa ng Kongreso at ganap na naging  batas ang Ease of Doing Business Bill.

“The enactment of this law and the recent amendments Congress made to the Public Service Act, Retail Trade Liberalization Law and the Foreign Investment Act are proof that Congress is doing its part in working on measures that it can pass to bring in more foreign investments.” Meliza Maluntag/Gail Mendoza

Previous articleRBH 7 buwagin – raliyista
Next articleKALAHATING MILYONG JOs AT COS SAKOP NA NG SSS