Home OPINION KALAHATING MILYONG JOs AT COS SAKOP NA NG SSS

KALAHATING MILYONG JOs AT COS SAKOP NA NG SSS

UMABOT na sa mahigit kalahating milyong manggagawa sa pamahalaan na mga nasa kategorya ng JO o job orders at COS o contract of service ang sakop na ng SSS o Social Security System. Hindi sila pasok sa GSIS o Government Service Insu­rance System dahil sa kawalan ng “employee-employer relationship”.

Ayon sa batas, ang GSIS ay eksklusibong sumasaklaw lamang sa mga permanenteng empleyadong nasa gobyerno. Layunin ng SSS na makipagkasundo sa mga ahensyang may mga job order at contract of service workers upang maisama sila sa tatanggap ng social security benefits kahit sila ay nagtatrabaho bilang contractual o job order personnel.

Nangyari ito sa pamamagitan ng kaSSSangga Collect Prog­­ram kung saan ang JOs at COS ay kinukonsidera bilang “self-employed” members at ang kanilang pinapasukang ahensiya ng pamahalaan ang siyang mangongolekta ng buwanang kontribusyon at magpapasok sa SSS.

Dahil dito maaari na silang makinabang sa mga benepisyo at programa ng social insurer.
Isa sa pinakahuling pumirma ng MOU o memorandum of understanding ang Quezon City District 2 – Department of Public Works and Highways kung saan mahigit 200 street sweepers ang makikinabang.

Sa kasalukuyan, ang Quezon City ang mayroong largest membership coverage na umabot sa mahigit 15,000.

Mayroon na rin itong MOU sa mga LGU o Local Government Units ng Mandaluyong, Taguig at Malabon. Sa buong NCR o National Capital Region, nasa 32 institutions ang mayroon na ring kasunduan.

Simula taong 2015 hanggang 2023, umabot na sa halagang Php7.08 billion ang nakolektang kontribusyon mula sa prog­rama. Mula ito sa 2,100 LGUs na nakapagpasok ng hala­gang Php4.66 billion bilang kontribusyon habang nasa Php2.03 billion mula sa national agencies, at GOCCs o government owned and controlled corporations.

Nasa mahigit 100 SUC o state universities and colleges ang nagpasok ng halagang Php289.91 million sa SSS at halagang Php97.64 million mula sa 86 na LWDs o local water districts.

Previous articleEconomic Cha-cha pasado na sa Kamara
Next articleAKSYON NG DTI, FDA SA MGA KADUDA-DUDANG PRODUKTO, ASAN?