Home NATIONWIDE ‘Economic implications’ ng umento sa sahod bubusisiin ni PBBM – Malakanyang

‘Economic implications’ ng umento sa sahod bubusisiin ni PBBM – Malakanyang

248
0

MANILA, Philippines- Titingnan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang implikasyon sa ekonomiya sa panukalang umento sa minimum wage para sa mga manggagawa.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nais ni Pangulong Marcos na ibigay ang kung ano ang makabubuti sa mga manggagawang Pilipino.

”Nais ng Pangulo na maibigay kung ano ang makakabuti sa manggagawang Pilipino,” ang sinabi ni Castro.

Nauna rito, napaulat na inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magtataas ng ₱200 sa arawang minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Lumusot ang panukala sa botong 171 pabor, walang tumutol, at isang abstention.

Ayon kay TUCP Rep. Raymond Mendoza, ito ang unang batas na nagtakda ng wage hike sa loob ng halos 40 taon, na layuning iangat ang mahigit limang milyong minimum wage earners.

Sinabi nina Reps. Percival Cendaña, Arlene Brosas, at Jolo Revilla na napapanahon at matagal nang hinihintay ang umento.

Mas mataas ang panukala ng Kamara kaysa sa ₱100 na aprubado ng Senado.

Kailangang magkasundo ang dalawang kapulungan bago ang Hunyo 13 upang mapirmahan ito ni Pangulong Marcos. Kung hindi, kailangang muling ihain ang panukala sa susunod na Kongreso. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here