Home HOME BANNER STORY EDSA rehabilitation ipinagpaliban ni PBBM

EDSA rehabilitation ipinagpaliban ni PBBM

234
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapaliban sa rehabilitasyon ng EDSA na magsisimula sana sa Hunyo 13.

Ani Marcos, kailangan pang pag-aralan ng isa pang buwan ang proyekto upang malaman kung may mga bagong teknolohiya na magagamit para mapabilis ang rehabilitasyon.

“Pause muna doon sa ating rehabilitation. Huwag muna nating gagawin dahil pag tinitingnan natin yung cost-benifit and analysis, maganda sana kung maayos natin ngunit ang laking sakripisyo nun dalawang taon, masyadong mabigat, mahigpit ang traffic,” sinabi ni Marcos.

“Bigyan natin ang sarili natin ng isang buwan. Pag-aralan natin itong bagong teknolohiya na nakikita natin. Gumawa tayo ng magandang plano. Baka naman imbes na dalawang taon, magawa natin sa isang buwan. Tingnan natin kung anong available sa atin,” dagdag pa.

Sinabi rin ng Pangulo na maraming mga motorista ang mahihirapang bumiyahe sa oras na magsimula na ang rehabilitasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here