Home ENTERTAINMENT Buboy, nakatengga ang career!

Buboy, nakatengga ang career!

321
0

Manila, Philippines- Economic violence. Physical abuse.

llan lang ito sa mga paratang ng dating karelasyon ni Buboy Villar na si Angilyn Gorens.

Nag-trigger o nabulabog na lang si Angilyn nang lumantad ang Kapuso actor na meron nang newfound love.

Matindi ang mga akusasyon ni Angilyn.

Hindi raw kasi tumutupad si Buboy sa binitiwan nitong pangako na susustentuhan ang kanilang mga anak.

Bale ba, nasa poder ang mga ito ng magulang ni Angilyn.

Obyus na nag-backfire kay Buboy ang pagkukulang niya.

His showbiz career remains at a standstill at present.

Kaya paano niya tutuparin ang child support kung kahit guesting man lang sa mga show sa GMA ay nganga, regular program pa kaya?

Sa pagkakataong ito marahil ay nananawagan si Buboy sa Tape, Inc. para masingil na niya ang kanyang uncollected talent fee sa Tahanang Pinakamasaya.

The same holds true for all the other hosts na to this day ay hindi pa rin bayad ang TF.

Eh, mukhang sa mga dating TP hosts ay bukod-tanging si Buboy lang ang jobless at the moment. Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here