ROME – Mahigit 60,000 pilgrims mula sa 120 bansa ang lumahok sa Jubilee of Families, Children, Grandparents, and the Elderly sa Rome mula Mayo 30 hanggang Hunyo 1, 2025, ayon sa Vatican News.
Tampok sa tatlong araw na pagdiriwang ang panalangin, pagninilay, kultural na aktibidad, at mga programang nakatuon sa pamilya.
Kabilang sa mga lumahok ang mga delegasyon mula sa Pilipinas, Italy, US, Spain, Brazil, at Poland, pati na ang mga kilalang Katolikong organisasyon tulad ng Neocatechumenal Communities, Catholic Grandparents Association, at Focolare Movement. RNT