Home METRO 3 menor utas sa sunog sa BulacanMETRONATIONWIDETOP STORIES 3 menor utas sa sunog sa BulacanJune 1, 2025 12:003160 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Tatlong menor de edad ang nasawi matapos ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Barangay Bambang, Bulakan, Bulacan noong Mayo 31.Ayon sa ulat, magkapatid ang dalawang biktima na may edad 16 at 14, at kasama nila ang kanilang isang taong gulang na pinsan.Batay sa mga kaanak, nagsimula ang sunog sa nasunog na extension wire na kinabitan ng electric fan.Lumaki ang apoy matapos walang sumagot mula sa loob ng kuwarto.Bandang 1 p.m. nakatanggap ng tawag ang BFP at dineklarang fire out matapos ang 30 minuto. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. RNT