Home NATIONWIDE Sunod na Palarong Pambansa aarangkada sa Agusan del Sur

Sunod na Palarong Pambansa aarangkada sa Agusan del Sur

406
0

MANILA, Philippines – Gaganapin sa Agusan del Sur ang ika-66 na Palarong Pambansa sa 2026, matapos ang matagumpay na pag-host ng Ilocos Norte ngayong taon.

Pormal na tinanggap ni Governor Santiago Cane ang tungkulin at nangakong maghahandog ng ligtas at makabuluhang palaro.

Inilahad niya ang kahandaan ng probinsya, kabilang ang pinahusay na pasilidad at pinalakas na turismo upang isulong ang sports tourism.

Matagal nang pangarap ng Agusan del Sur na mag-host ng Palaro. Sa katatapos na palaro, pumuwesto sa ikawalong puwesto ang Region 13 na may 21 gintong medalya, habang nanguna ang NCR. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here