Home ENTERTAINMENT Edu, may hakbang vs kotong cop!

Edu, may hakbang vs kotong cop!

Manila, Philippines- Pinag-lisipan ni Edu Manzano na gumawa ng kaukulang hakbang laban sa isang motorcycle cop na nagtangkang kotongan ang kanyang driver.

Ibinahagi ni Edu sa X (dating Twitter) ang aniya’y “not my finest moment” bilang paglalarawan sa kanyang karanasan.

Sinita kasi ng pulis ang kanyang driver dahil sa traffic violation sa Roxas Blvd.

Nagkataong lulan ng sasakyan si Edu na hindi agad namalayan ng pulis.

Aminado si Edu na nag-U turn ang kanyang driver, pero ang hindi raw niya ma-take ay ang nasaksihan niyang pangongotong ng pulis.

All along daw ay tahimik lang na nakikinig ang aktor sa paninita ng pulis.

Nagsimula raw ‘yon sa pinagse-seminar daw ang kanyang driver hanggang hinihingan na ng pera.

Mula P2k hanggang P4k ang hinihingi ng pulis.

Ikinadismaya ‘yon ni Edu nang makapanayam ng PEP: “Ganito na ba ang lakaran?”

Maya-maya pa raw ay napansin siya ng pulis sa loob ng sasakyan.

“Boss Edu!” bungad pa raw ng pulis na nakipag-fist bump pa.

Hiningan ni Edu ng opinyon ang PEP kung dapat daw ba siyang gumawa ng hakbang, but Edu seemed he was giving it a serious thought.

Nasa possession daw ni Edu ang audio ng pakikipag-usap ng pulis sa kanyang driver.

Kumbaga, may sapat na katibayan ang aktor para sa kanyang reklamo.

Bigyan ng leksyon ‘yan! Ronnie Carrasco III