Home ENTERTAINMENT Ai Ai, may ng sama ng loob sa Star Cinema!

Ai Ai, may ng sama ng loob sa Star Cinema!

Manila, Philippines- Taong 2003 nang ipalabas ang Star Cinema movie na Ang Tanging Ina na pinagbidahan ni Ai Ai delas Alas.

Ang yumaong si Wenn Deramas ang nagdirek nito.

Isa ngang monster hit ang nasabing pelikula na ginawan ito ng sequel:

Ang Tanging Ina N’yong Lahat noong 2008 at Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To) two years later.

Naulinigan ni Ai Ai mula sa isang Star Cinema insider na balak gumawa ang nasabing kumpanya ng reunion movie nito.

Natural lang na magtanung-tanong ang komedyana kung totoo ngang may plano, bagay na hindi niya nakitaan ng masama.

Katwiran ni Ai Ai, alangan naman daw magtanong siya mula sa ibang film outfit tulad ng Regal, Viva o Seiko samantalang Star Cinema–ang film arm ng ABS-CBN–ang nagprodyus nito.

Ang ikinasasama ng loob ni Ai Ai ay tinanggal daw ang artikulong kasama siya as having asked a Star Cinema insider about the reunion movie plan.

Ani Ai Ai, kaya raw ba tinanggal ang artikulo ay dahil associated ang pangalan niya?

Himutok pa ng komedyana, in fairness naman daw ay pinagkakitaan siya ng kumpanya noong mga panahong nasa ABS-CBN pa siya.

Matatandaang 2015 nang lumipat si Ai Ai sa GMA.

Ika nga, sa rival network lang sumipa ang kanyang career, both on TV and in the movies.

Nag-ugat ang “video emote” ni Ai Ai nang isang show producer daw niya ang interesadong magprodyus ng pelikula.

Nai-suggest nga ni Ai Ai ang Tanging Ina, kaya nagtanong siya kung magkano ang posibleng magagastos sa pagprodyus nito.

Siyempre, ang Star Cinema ang may-ari ng film rights nito.

Hindi inaasahan ni Ai Ai na ang simple’t walang kamali-malisyang tanong na ‘yon ay binigyan ng kakaibang kahulugan ng Star Cinema.

Ai Ai’s last movie under Star Cinema ay isang Kim Chiu-Xian Lim movie na malagihay lang ang kinita sa takilya. Ronnie Carrasco IIi