MANILA, Philippines — Nilinaw ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na walang nangyaring hacking sa eGov app.
“Wala pong breach po sa ating eGov app,” ani DICT Undersecretary David Almirol Jr. sa isang interbyu.
Ayon sa kanya, ang mga ulat ng breach ay nagmula sa isang third-party e-complaint system na naka-integrate sa eGov at walang personal na impormasyon.
Binigyang-diin ni Almirol na ang lahat ng registration data (KYC) sa eGov app ay fully encrypted at may iba’t ibang security layers, kaya hindi ito mababasa kahit ng mga programmer ng DICT.
Nagbabala rin ang DICT laban sa mga scammer na nagpapanggap na empleyado ng gobyerno at humihiling ng installation o update ng app.
“Wala pong employee ng gobyerno… na tatawag po sa inyo para mag-install ng app or mag-update ng record. Wala pong ganun,” ani Almirol.
Maaaring i-report ang mga kahina-hinalang tawag gamit ang report button sa app, na direktang mag-aalerto sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC). Dave Baluyot