MANILA, Philippines – Sumugod sa harap ng tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang mga magulang ng mga biktima ng Dengvaxia vaccine upang ipanawagan na hayaang gumulong ang kaso sa korte.
Sa kanilang liham kay Justice Secretary Frederick A. Vida, buong puso at may kababaang-loob na hinihiling ng mga magulang na huwag hadlangan ang kanilang kaso.







