MANILA, Philippines- Magsisimula ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr ngayong Lunes, March 31, 2025, base sa National Commission on Muslim Filipinos nitong Linggo.
Ang Eid’l Fitr, o ang Feast of Breaking the Fast, ay ang Muslim holiday na nagwawakas sa holy fasting month ng Ramadan.
Tinutukoy ng Muslim leaders ang petsa ng Eid’l Fitr sa tradisyunal na moon-sighting ceremony sa ika-29 araw ng Ramadan.
Kasunod ang pag-anunsyo ng petsa ng Eid’l Fitr ngayong taon ng pagkakita sa crescent moon ng ilang grupong inorganisa ng Bangsamoro Government, PAGASA, at iba pa, at kinumpirma ng mga awtoridad kabilang si Bangsamoro Grand Mufti Sheikh Abdulrauf Guialani.
Inanunsyo rin ng BARMM na ang March 31 ay isang regular non-working holiday sa buong rehiyon upang gunitain ang okasyon. RNT/SA