Home METRO #WalangPasok ngayong Lunes, Marso 31, 2025 sa ilang lugar para sa Eid’l...

#WalangPasok ngayong Lunes, Marso 31, 2025 sa ilang lugar para sa Eid’l Fitr

MANILA, Philippines- Kasado ang araw na ito, March 31, 2025, bilang isang non-working holiday sa ilang lugar upang ipagdiwang ang Eid’l Fitr.

Idineklara ng BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) ang araw na ito bilang isang regular non-working holiday.

Sa Sultan Kudarat naman, idineklara ang March 31 bilang isang special non-working holiday, kug saan suspendido ang klase sa lahat ng lebel sa public ar private schools ngayong araw.

Sinuspinde naman ng University of Santo Tomas’ General Santos City campus ang trabaho at klase ngayong Lunes. 

Ang Eid’l Fitr, o ang  Feast of Breaking the Fast, ay ang Muslim holiday na nagwawakas sa holy fasting month ng Ramadan.

Tinutukoy ng Muslim leaders ang petsa ng Eid’l Fitr sa tradisyunal na moon-sighting ceremony sa ika-29 araw ng Ramadan.

Kasunod ang pag-anunsyo ng petsa ng Eid’l Fitr ngayong taon ng pagkakita sa crescent moon ng ilang grupong inorganisa ng Bangsamoro Government, PAGASA, at iba pa, at kinumpirma ng mga awtoridad kabilang si Bangsamoro Grand Mufti Sheikh Abdulrauf Guialani. RNT/SA