Home OPINION LIBRENG MAGPAKONSULTA SA CHINESE GENERAL HOSPITAL, MAGPAREHISTRO NA!

LIBRENG MAGPAKONSULTA SA CHINESE GENERAL HOSPITAL, MAGPAREHISTRO NA!

HINIKAYAT ni Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) president at chief executive officer Dr. Edwin M. Mercado ang Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC) na mas palawakin ang bilang ng mga miyembro ng PHILHEALTH KONSULTA ng ospital sa pamamagitan ng paglalagay ng satellite clinic sa mga komunidad. Gayundin ang pagkakaroon ng marami pang Z Benefit packages at self-policing para makaiwas sa mga paglabag.

Bilang tugon, sinabi ni Dr. Sa­­muel Ang, medical director ng CGHMC na pagsusumikapan ng ospital na madagdagan o makumpleto ang nasa 20 Z Benefit packages na mayroon.
Sa bahagi naman ni Dr. Geor­­ge Co na siyang overall head ng PHILHEALTH KONSULTA ng CGHMC, kasama talaga sa plano ang pagbubukas ng satellite clinics lalo pa nga’t aktibo ang PCCAI sa pagsasagawa ng mga medical missions sa iba’t ibang lugar.

Isa na rito ang sa­tellite clinic sa may PCCAI buil­ding sa Soler Street, Binondo, Maynila.
Sinabi rin niya na ang ba­hagi ng consultation fees mu­la sa PHILHEALTH KONSULTA pack­a­­ge na nasa Php 1,700 ay ilaan sa Department of Medical Education and Research na pakikinabangan ng nasa higit kumulang 100 na mga residente at fellows at ng mga pasyente sa mga susunod na panahon.

Nagkaroon din ng isang town hall discussion kung saan naging panelista sina Dr. Bernadette Lico, vice president ng PHILHEALTH NCR; Dr. Evelyn Lopez, head, Health Care Delivery Management Division; Dr. Billy Ignacio, overall Z Benefit team leader, Benefits Administration Division; at Raymond Acoba, head, NCR Public Affairs Unit, at sina­got ang mga katanungan kaugnay sa UHC, PHILHEALTH KONSULTA, at Z Benefits.

Pinasalamatan ng PHILHEALTH NCR si Agarang Serbisyo Lady Dra. Hilda Ong sa pagsasaayos ng pagbisita ni PCEO Dr. Mercado sa CGHMC at sa naganap na town hall discussion.

Nakibahagi rin sa progra­ma sina Walter Bacareza, vice president for Area 1 and 2, NCR, na siyang nakasasakop sa CGHMC, at si Mae Dizon, acting branch manager, PHILHEALTH NCR North branch.

Nagdiriwang ang PHILHEALTH ng tatlong dekada nitong pagiging kaagapay ng mga Filipino pagdating sa kalusugan na mas pinalawak ang mandato sa ilalim ng UHC na ganap na naging batas matapos ang limang dekadang paghihintay noong 2019 sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.