Home METRO Ekonomiya ng Mimaropa lumago ng 4.2% noong 2025

Ekonomiya ng Mimaropa lumago ng 4.2% noong 2025

84
0

ORIENTAL MINDORO, Philippines – Lumago ng 4.2% ang ekonomiya ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) noong 2025, bahagyang mababa sa 4.4% noong 2024, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Umabot sa P447.47 bilyon ang gross regional domestic product (GRDP) ng rehiyon sa constant 2018 prices. Pinalakas ang paglago ng sektor ng serbisyo at pagbangon ng agrikultura.

Pinakamabilis lumago ang public administration at defense, kabilang ang social security, sa 10.4%, kasunod ang agriculture, forestry and fishing (8.3%) at human health at social work (8.2%).

Kabilang din sa may malalaking pagtaas ang other services (7.5%), professional at business services (7.4%), at financial at insurance activities (6.7%). Tumaas din ang transportation (6.6%), accommodation at food services (6.5%), at wholesale at retail trade (6.4%).

Lumago rin ang education (6.3%), information and communication (4.1%), real estate (3.0%), at manufacturing (2.1%).

Gayunman, may ilang sektor na bumaba, kabilang ang electricity at water services, construction, at mining at quarrying na may pinakamalaking pagbaba na 11.4%.

Ayon sa PSA, nanatiling isa sa mabilis lumagong sektor ang agrikultura sa bansa sa kabila ng ilang hamon.

Sa kabuuan, pinakamalaki ang ambag ng services sa ekonomiya ng rehiyon (52.2%), sinundan ng industry (30.6%), at agriculture, forestry and fishing (17.2%).

Ipinapakita ng datos ang tuloy-tuloy ngunit bahagyang bumagal na paglago ng ekonomiya ng Mimaropa sa gitna ng pagbabago sa mga sektor at patuloy na hamon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here