Home ENTERTAINMENT Eksena ni Maris na naka-panty at bra, nag-viral!

Eksena ni Maris na naka-panty at bra, nag-viral!

Manila, Philippines – Napagtanto mismo ni Maris Racal na tanggap din pala siya when it comes to doing action scenes.

Aminado ang isa sa mga cast member ng Incognito na nag-aalangan siya sa bagong hamon na ‘yon sa kanyang acting career on TV.

Sa awa naman ng Diyos, ang magagandang rebyu na natanggap niya only translate to having nailed it perfectly.

Pero inamin ni Maris na sa sobrang lamig sa Baguio where the scenes were taken ay nanginginig siya, how much more naka-panty at bra lang?!

“Nabasa ko ‘yung script, ‘yun nga daw ang isusuot ko,” aniya referring to a scene kung saan hinahabol siya ng mga kalaban.

“Sabi ko, ‘Bukas na ba ‘to kukunan?’ Sige!” saad niya.

Kagyat na may nagsabi mula sa produksyon na kung hindi siya kumportable, she could settle for wearing cycling shorts instead of panty.

Sagot naman ni Maris: “Hindi, I’ll wear bra and panty!”

At nang maitawid nga raw niya ang eksena: “Wearing that didn’t faze me! I felt powerful”

Lalo pa nga raw itong nagbigay kay Maris ng kumpiyansa sa kanyang pangangatawan.

Samantala, proof na sa kabila ng cheating scandal na kinasangkutan nila ni Anthony Jennings, they manage to be professional sa trabaho.

While they’re supportive of each other, siyempre’y may mga limitasyon ‘yon.

Lesson learned ‘baga. Ronnie Carrasco III