Home NATIONWIDE Non-traditional families kakatawanin ng Pamilya Ko party-list

Non-traditional families kakatawanin ng Pamilya Ko party-list

Larawan kuha ni Crismon Heramis

MANILA, Philippines- Tiniyak ng Pamilya Ko partylist na bagama’t mahirap ang kanilang kinakaharap na laban dahil bagito pa lamang sila sa larangan ng partylist election ay handa naman nila itong harapin upang magkaroon ng kinatawan sa kongreso ang mga itinuturing na “non traditional Filipino families” sa bansa.

Ito ang ipinahayag ni Atty. Anel S. Diaz, 1st nominee ng Pamilya Ko partylist, sa ginanap na Meet the Press weekly forum ng National Press Club of the Philippines (NPC) kung saan nagsilbing moderator si NPC President Leonel “Boying” Abasola nitong umaga ng Martes, Peb. 18, 2025.

Ayon kay Diaz, inspirasyon nila ang mga non traditional families kaya itinuloy nila at nagdesisyong lumahok sa partylist election.

Aniya, kinakatawan nila ang sektor ng mga Pilipinong namuhay sa isang pamilya sa hindi tradisyong nakagawian.

Nabatid na gumawa umano sila ng acronym na LOVABLES na kabilang sa kanilang kinakatawang sektor. Ito ay ang mga sumusunod: L para sa mga live-in partners; O para sa mga OFW families; V para sa ng victims ng domestic abuse; A para sa mga adopted families; B para sa mga blended families; L para sa mga LGBT union; E para sa mga extended and elderly; at S para sa mga solo parents.

Ayon pa kay Diaz, nabuo aniya ang Pamilya Ko partylist dahil mismong ang mga founders nito ay kabilang sa nasabing non traditional families. JR Reyes