Home OPINION EL NIÑO AT LA NIÑA TUMITINDI

EL NIÑO AT LA NIÑA TUMITINDI

INAASAHANG mas lalo pang lalala ang tama ng El Niño sa ilang bahagi ng mundo kabilang na ang ‘Pinas kung saan pinaniniwalaang aabot pa hanggang Abril ang mararanasang tagtuyot at maalinsangang panahon, ayon sa National Weather Service Climate Prediction Center,isang Weather Forecaster sa US.

Bagaman mas maikling panahon daw ngayon ang tag-init kung ihahalintulad sa nakalipas na mga taon kung saan umaabot ito hanggang Hunyo subalit malaki na ang pinsala nito lalo na sa pagkasira ng mga pananim at kawalan ng suplay ng tubig sa mga lugar na tinamaan nito.

Batay sa talaan ng Department of Agriculture,umabot na sa halos P151 milyon ang nasirang Agri-products bunsod ng matinding tagtuyo sa ‘Pilipinas pa lang kung saan kakulangan ng suplay ng tubig ng mga magsasaka ang dahilan kaya kaliwa’t kanang irrigation facilities ngayon ang ipinapagawa ng gobyerno upang maibsan ang epekto nito.

Hindi lamang tayong mga Pinoy ang nakararanas ng grabeng tama ng El Niño. Alam n’yo bang binawasan ng India,ang itinuturing na pinakamalaking exporter ng bigas sa buong mundo,ang pagbebenta nito sa labas ng bansa nila dahil sa kakulang ng produksyon dulot ng matinding tagtuyot at kakarampot na ulan?

Ibig sabihin,damang-dama na ngayon ng sanlibutan ang epekto ng El Niño na ayon sa mga siyentipiko ay dulot ng Climate Change o pagbabago ng panahon ang madalas na nakararanas ng krisis ay katulad ng bansa natin na sadyang matagal makababangon ang ekonomiya.

At hindi lang ‘yan. Pinaniniwalaang papasok naman ang La Niña o malalakas na pagbuhos ng ulan na  magigingsanhi ng malawakang pagbaha, sa darating na Hunyo na magiging sanhi naman nang pagkalubog ng mga pananim.

Susmaryosep! wala na tayong itulak at kabigin hinggil sa malalang tama ng pagbabago ng panahon kung saan apektado ang ekonomiya’t sambayanan dail malaki ang nawawala sa kaban ng bayan para tugunan ang iniiwang kasiraan ng mga kalamidad na ito.

Tanging kahandaan at mabilis na pagresponde ang kayang gawin ng pamahalaan ngayon upang maibsan ang pagkawasak ng mga ari-arian dulot ng malalakas na kalamidad na sukdulang dahilan nang pagkabangkarote ng pobreng mamamayan.

Anomang puna o reaksyon itex sa 09999388537/email [email protected]

Previous articleKORAP NANG KORAP
Next article‘PI’ FUNDS GAMITIN SA RELOCATION SITES