Home ENTERTAINMENT Elisse, wise na sa lovelife!

Elisse, wise na sa lovelife!

1
0

Manila, Philippines – Sa isang panayam, aminado si Elisse Joson na nabago ang kanyang lifestyle mula nang maging single parent siya kay Felize.

Kung noon, sarili lang niya ang iniintindi, ngayon daw ay iba na ang kanyang mindset.

Hirit pa niya, ang laki rin daw ng maturity niya mula nang maging magulang siya.

“Wiser now. Siguro dahil dala na rin ng motherhood. Ang laking factor nun sa pagiging babae—pag-mature and yung experiences na dala nun,” lahad niya.

Marami rin daw siyang na-realize sa pagiging celebrity mom.

“It’s hard. Grabe yung bilib ko sa mga single moms, like my mom, and ngayon ko lang nakikita na pano nila ginagawa. Pano nagagawa… Grabe pala yung mga hirap na ibinigay ko sa aking nanay noon,” paliwanag niya.

Sa ngayon, prayoridad din daw niya ang kapakanan ng kanyang unica hija.

“Ang choice mo lang kasi is to fight kasi you have a kid. And you want to give them everything you can na hindi mo naranasan, or you want to give them more. So you will do everything talaga para sumakses ka kahit na tinataguyod mo mag-isa,” sey niya.

Bilang nanay, natuto rin daw siyang mag-budget.

“Doble kayod, doble tipid… I am trying more now, oo, kasi nga kailangan,” ani Elisse.

“Tsaka pag bumibili na ako ngayon, iniisip ko na ang dami nang factors. ‘Ilang beses ko ba ‘to magagamit? Kailangan ko ba talaga ‘to?’

“Dati, ‘Ay ang ganda! Sige go, bilhin ko na,'” dugtong niya.

Nang maurot naman ni DJ Chacha ang tungkol sa estado ng kanyang lovelife, sinabi ng aktres na kuntento na raw siya.

“I think kasi happy naman ako where I’m at now. Hindi naman sobra-sobra yung meron ako, pero laging provided for,” bulalas niya.

“Siguro yung kulang lang… I just want to be loved,” pahabol niya.

Pagsisiwalat pa niya, one year na raw siyang single.

Masasabing wais na rin daw siya pagdating sa pag-ibig.

“Feeling ko kasi nasa age na ako na alam ko na yung gusto ko. Alam ko na yung dapat for my future. Alam ko na yung hindi ko kayang tanggapin,” esplika niya.

“Happy ako on my own. So kailangan yung mahahanap kong partner, makaka-add up to that happiness na lang,” dugtong niya. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here