Home HOME BANNER STORY Email data ng DFA nakompromiso, ibinebenta online!

Email data ng DFA nakompromiso, ibinebenta online!

MANILA, Philippines – KASALUKUYAN nang isinasagawa ang masusing imbestigasyon hinggil sa napaulat na data breach na kinasasangkutan ng Department of Foreign Affairs (DFA) email.

Sinabi ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza na nakatanggap ang ahensiya ng ulat na ang naturang email data ay ibinenta sa online.

“The DFA has received reports of alleged email data being sold online. The Department’s Information and Communications Technology Division is investigating the matter,” ayon kay Daza.

Ang di umano’y data breach ay unang iniulat ng isang grupo ng cybersecurity enthusiasts sa ilalim ng humahawak sa “Deep Web Konek”.

Ang ulat na naka-post sa X ay nagsasabing isang sensitibong email data mula sa DFA ay “now being sold online” ng isang ‘threat actor’ na kinilala bilang “chengyi”.

Tinukoy ng grupo ang ‘inisyal findings’ nito na nagsasabing ang sample na ibinigay ng threat actor ay “contains sensitive documents and is marked as confidential documents”. Kris Jose