Home ENTERTAINMENT Eman, ‘tiklop’ kay Jimuel!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Eman, ‘tiklop’ kay Jimuel!April 21, 2026 19:40920 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Naurirat si Eman Bacosa ng isang hypothetical question tungkol sa kanyang kapatid na si Jimuel Pacquiao.Hirit ni Boy Abunda sa Fast Talk, kung sakali raw magkaroon ng pagkakataon na maglaban sila sa isang boxing bout ng stepbrother, kakasa raw ba ito?Ayon sa boksingero, hindi raw siya makikipag-umbagan sa kanyang kuya.“Unang-una, hindi po. Kasi kapatid ko po siya, tsaka wala naman pong kasiyahan na mangyayari doon kung matalo man o manalo ka sa kapatid mo,” aniya.Dagdag pa niya, maging ang ama raw nilang si Pacman ay hindi gugustuhing makita silang nagkakasakitan sa ring.“Siyempre ayaw din ‘yon ni dad. Ayoko rin masaktan si daddy doon,” paliwanag niya.Nagbigay din siya ng mensahe sa panganay ng Pambansang Kamao.“Tsaka I really love you, Kuya,” sambit niya.Aminado naman si Eman na hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataon ni Jimuel na maging close dahil sa busy schedule ng huli.Sey pa ni Eman, dahil idol daw niya ang daddy niya, gusto raw niyang maging world boxing champion tulad nito.Nananatili namang tikom ang bibig ni Eman kung siya ang sinasabing mystery guy sa TikTok video ni Jillian Ward noon.Masaya rin daw siya at blessed sa friendship na namamagitan sa kanila ng Kapuso actress. Archie Liao