Home METRO Quirino nagdeklara ng state of energy emergency dahil sa fuel crisis

Quirino nagdeklara ng state of energy emergency dahil sa fuel crisis

111
0

QUIRINO, Philippines – Nagdeklara ang Sangguniang Panlalawigan ng Quirino ng state of energy emergency dahil sa kakulangan ng suplay ng fuel at tumataas na gastos sa enerhiya kaugnay ng national energy crisis.

Sa resolusyong inaprubahan nitong Martes, pinahintulutan ang gobernador na magpatupad ng agarang hakbang upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng mahahalagang serbisyo, disaster response, at kaligtasan ng publiko.

Ayon sa board, nakaayon ang deklarasyon sa mga direktiba ng pambansang pamahalaan upang tugunan ang kritikal na sitwasyon sa enerhiya.

Layunin ng resolusyon na magkaroon ng “coordinated, efficient, and decisive response” upang mabawasan ang epekto ng krisis at mapanatili ang basic services.

Pinapayagan din ang lokal na pamahalaan na gamitin ang Quick Response Fund at i-realign ang iba pang pondo, pati na ang emergency procurement ng mahahalagang supply tulad ng fuel at generator, alinsunod sa batas.

Kabilang sa mga hakbang ang mahigpit na energy conservation, contingency planning, at tuloy-tuloy na serbisyo lalo na sa health, infrastructure, at public safety.

Tiniyak naman ng pamahalaang panlalawigan sa mga residente na ginagawa ang lahat ng hakbang upang mapanatili ang operasyon at maprotektahan ang buhay ng mamamayan sa gitna ng krisis. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here